Hindi nyo alam na:
- Ang lalaki mas emosyonal sa babae.
- Kapag magkausap kayo, ayaw niya na may iba kayong ginagawa o kinakausap.
- Tahimik lang ang mga lalaki.
- Kapag magkasama kayo wag niyo pag-usapan ang mga ex/pasts niyo.
- I-appreciate lahat ng ginagawa nila.
- Ang lalaki mas seloso, pero hindi nila sinasabi or pinapalaki.
- Mas open-minded ang mga lalaki.
- Kapag ang lalaki nasaktan mas madrama pa kaysa sa mga babae.
- Kung ang mga babae nagmemake-up pa o matagal maligo. Ang boys nagpapapogi rin, nagkakataon lang na mas matagal ang mga babae.
(Source: tatlongtaoisangblog)

(Source: tatlongtaoisangblog)
(Source: tatlongtaoisangblog)
ANG SAKLAP.
(Source: tatlongtaoisangblog)
(Source: tatlongtaoisangblog)

(Source: tatlongtaoisangblog)
(Source: tatlongtaoisangblog)
(Source: tatlongtaoisangblog)
Lahat ng pagod, pag-iintindi, pag-aaway, inis, badtrip, lungkot, at sakit.. Once na sinabi sayo yan ng mahal mo. BAWI LAHAT =D
| Carl |
Sa totoo lang walang nakatalang paraan para sa pag move on. Sadyang gigising ka na lang ng isang umaga na malalaman mo sa sarili mo na naka move on ka na. Sa totoo lang sobrang mahirap mag move on lalo na kung sobrang minahal mo yung tao na yun. Yung pinaka masakit pa ay yung hindi mo malaman laman ang mga rason kung bakit na lang siya bumitaw. Sa unang araw hindi mo talaga matatanggap. Gabi-gabi kang iiyak kasi maaalala mo lahat ng mga magagandang alaala mo kasama siya. Yung mga tipong araw na parang kayong dalawa lang ang nagkakaintindihan, yung tipong hindi kayo nagsasawang sabihan ng mahal kita ang isa’t isa. I-iiyak mo lahat ng lungkot mo, isang paraan din yun para mabawasan ang lungkot mo.
Darating din tayo sa estado na kunwari tanggap mo na. Yung tipong pag tinatanong ka ng mga kaibigan mo “oh ano mahal mo pa ba siya?”. Ang isasagot mo ay “oo naman wala na un nakalimutan ko na yun”. Sa totoo lang sa pag momove on, hindi dapat kasama ang PAGLILIMOT. Dahil hindi mo maiiwasan sa isip mo na kalimutan ang lahat ng nangyari sanyo.
Sa pag momove on TINATANGGAP MO ANG KASALUKUYANG NANGYAYARI PERO HINDI MO MAKAKALIMUTAN ANG MGA NANGYARI. Habang lumilipas ang oras sasabihin mo sa sarili mo na “ayan, okay na naka move on na ako”. Pero hindi pa pala dahil sa tuwing makikita mo siya na nakikipagusap sa iba ay di mo maiwasang makaramdam ng inggit. Sa tuwing dadaan siya at parang hindi kayo magkakilala ay makakaramdam ka ng sakit at sa tuwing maririnig mo na inaasar siya sa iba ay magpapanggap ka na ok ka lang pero makakaramdam ka ng selos.
Ang pag momove-on ay isang MAHABAAAAAAAAAAAAAAAAAAANG proseso. Na hindi mo alam kung kailan matatapos. Kasabay ng pag move-on ay umaasa ka pa rin na siya ay babalik sayo. Baka nga ang makabasa nito ay sabihin yong BADUY ito. Pero sa mga makakabasa neto na naranasan ang ganito ay sadyang maiintindihan nila kung ano ang nais kong iparating.
Huli na to..
Hindi porket nagmomove-on ka ay hindi mo na siya mahal sadyang nag momove on ka dahil ALAM mo na doon sasaya ng mahal mo at hindi na sa piling mo.
Para maiksiaan kayo..
Iyak at Tanggap lang ang solusyon dyan.
Lahat to dinanas ko na. Ilang araw ko ‘tong dinanas. Kung ako sa inyo wag niyo ng pangarapin maranasan ang ganito pero mas ayos pag naranasan niyo dahil matututo kayo. At kung bumalik siya sa inyo kayo na ang bahalang magdesisyon kung saan ka sasaya. Ako sabe ko sa sarili ko kapag bumalik siya sakin hindi ko na ibibigay ang 100% na pagmamahal ko sa kanya para hindi na ko masaktan………………………………….pero hindi ko kaya dahil sadyang mahal na mahal na mahal ko lang talaga ang tao na yun para hindi ibigay ang buong pagmamahal ko sa kanya.
-Chui madrama
(Source: tatlongtaoisangblog)
Masakit, pero totoo -___-


